Latest News

122K TRABAHO IAALOK SA INDEPENDENCE DAY JOB FAIR

HUMIGIT- KUMULANG 122,000 trabaho ang iaalok ng iba’t- ibang kumpanya sa mga ikakasang ‘job at business fairs’ sa darating na Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 na pangunahing oorganisahin ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Inihayag ni DOLE Region 3 assistant director Alejandro Inza Cruz na 23 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa ang target nilang isagawa ang mga job fairs.

“Naghanay po ang DOLE ng trabaho, negosyo, kabuhayan business fairs sa ating buong Pilipinas. Meron po tayong mga 122,000 more or less job vacancies na io-offer sa ating publiko,” ayon kay Cruz.


Sa naturang bilang, 95,000 mga trabaho ay lokal o sa loob ng bansa, habang 27,000 ay sa ibayong-dagat o overseas.

Para sa mga naghahanap ng trabaho sa overseas, ang mga iaalok na mga posisyon ay para sa mga nurses, factory workers, household workers, karpintero, electricians, mason, at tagalinis sa Gitnang Silangan, Asya, Europa at Australia.

Kasama rin sa lalahok ang ilang ahensya ng pamahalaan na may mga bakanteng posisyon na nais punuan.

Sa mga interesado, maaaring makuha ang talaan ng mga lugar ng job at business fairs sa website ng DOLE. (Carl Angelo)


Tags: Department of Labor and Employment (DOLE)

You May Also Like

Most Read