Latest News

1,223 bagong kaso ng Covid-19

NAKAPAGTALA pa rin ng 1,223 na bagong kaso ng COVID19 ang Department of Health(DOH) hanggang nitong alas-4 ng hapon,kahapon sa bansa.

Nabatid na ito ay mas mababa kumpara sa 1,671 bahong kaso ng COVID-19 na naitala ng DOH noong Biyernes, Pebrero 25, 2022.

Ayon sa DOH case bulletin no 714 umaabot na sa 3,660,020, ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa COVID19.


Pumalo naman sa 53,934 ang aktibong kaso matapos may 2,400 na nakarekober sa sakit kaya nasa 3,549,735 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Sa mga aktibong kaso naman, 48,842 ang mild cases, 2,780 ang moderate cases, 1,417 ang severe cases, 597 ang asymptomatic at 298 ang critical cases.

May 128 pang pasyente na iniulat na nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 56,351 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa sakit.

Nalaman na may 4 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID19 Document Repository System(CDRS).


Tags:

You May Also Like

Most Read