Nasa mahigit 120,000 healthcare workers at iba pang personnel kasama sa isinagawang pagtugon ng bansa sa COVID19 pandemic,ang hindinpa nakakatanggap ng kanilang One COVID-19 Allowance (OCA).
Ito ang ibinulgar ni Department of Health (DOH) Undersecretary and treatment czar Leopoldo Vega kung saan 400,000 sa 526,727 healthcare workers , ang nabigyan na ng OCA ng national government.
Nabatid na sinabi ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) president Dr. Jose de Grano na mayorya sa mga pribadong hospital ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang OCA sa kabila ng pahayag ng DOH at Department of Budget and Management (DBM) na nailabas na ang pondo.
Kasabay nito sinabi ni Vega na nakikipag ugnayan sila sa PHAPI, kaugnay sa mga hospital na ang mga health workers ay hindi pa nakakatanggap ng OCA.
“Napag-usapan po namin kahapon kung puwede ibigay ni President Rene de Grano ‘yung mga hospitals na hindi pa nakatatanggap para ma-coordinate at mabigyan ng tugon. Okay naman, sabi niya ibibigay niya,” ayon kay Vega.
Nalaman na naglaan ang DBM ng P7.92 bilyon pondo para sa OCA ng
public at private healthcare workers at iba pang non-healthcare workers.
Sa nabanggit na halaga,P4.5 b ay para sa benepisyo ng 100,313 plantilla workers ng DOH sa public hospitals, offices, at rehabilitation centers kasama na ang mga nasa military at state university hospitals. .
Samantala, ang nalalabing P3.42 bilyon ay para sa 426,414 health workers na naka istasyon sa local government units at pribadong health facilities. (Arsenio Tan)














