Latest News

12,000 trabaho para sa mga Pinoy tampok sa jobs fair sa Labor Day

LABINDALAWANG libong bagong trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa Labor Day, May 1.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa nakatakdang selebrasyon ng Araw ng Paggawa sa Mayo a uno.

Ayon kay Bello, gaya ng nakagawian, mayroong jobs fair sa Labor day kung saan mayroong 12,000 mga trabaho ang iaalok sa mga Pilipino.


Target aniya ng DOLE na makakuha ng 2,000 na mga manggagawa na makuha on the spot dahil malaking tulong ito lalo na sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

“There are about 12,000 jobs ready for picking, and hopefully we are looking forward to a possible HOTS —hired on the spot, sakaling makaka-hire on the spot tayo ng 2,000,” ani Bello.


Magiging tampok aniya sa Labor Day celebration ang pagbubukas ng hospital para sa mga OFW at sa pamilya ng mga ito na magiging isa sa mga pamanang iiwan ng Duterte administration.

Libre ang pagpapagamot ng mga OFW sa hospital na magsisimula ng operasyon sa Mayo a uno.


“More important than the job fair is the event where will now deliver to the President his legacy to the OFWs, Im referring to the delivery of an operational hospital para sa mga OFW. Dito magkakaroon tayo ng hospital and we start operating effective May 1, and all OFWs kung meron silang sakit kasama ang kanilang legal dependents will be treated in this hospital for free,” dagdag ni Bello.

Tags: Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III

You May Also Like

Most Read