120 bangkay ng inmate sa NBP, ia-awtopsiya

Ililipat sa Philippine General Hospital ang may 120 ss 176 “unclaimed cadavers ” ng mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP) para gawqn ng awtopsiya.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kung saan ang DOJ at PGH ay nagkaroon na ng memorandum of agreement na lalagdaan nitong Huwebes para sa turn over ng mga bangkay.


Sinabi ni Remulla na aalamin ang sanhi ng pagkamatay ng inmate base sa carpeta at death certificate at actual autopsy na isasagawa ni Dr.Racquel Fortun .

Nabatid na nasa 176 bangkay ng mga inmate ay nananatiling nasa Eastern Funeral Homes, ang nag-iisang accredited funeral home ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City, mula pa noong Disyembre 2021.

Una nang umapela noong Lunes ang Eastern Funeral Homes sa gobyerno na ilibing na ang mga bangkay dahil naglaka problema na sila sa storage.


Napag-alaman na may 50 hanggang 60 bangkay ang naidadagdag sa bulto ng bangkay na nasa storage.

Pawang namatay umano sa natural death ang mga hindi pa kin-iclaim na bangkay habang ang ilan ay na awtopsiya na pero hindi pa kumpleto.


Tags: New Bilibid Prison (NBP)

You May Also Like