ITO ang babala ng Department of Agriculture sa mga importers, distributors at mga reseller kasunod ng utos na tutukan ang mga hinihinalang improvised storage facilities na pinagtataguan ng mga frozen meat products .
Sinasabing batay sa Meat Inspection Code of the Philippines, ay posibleng maharap sa kaukulang kaso at makulong ng anim hanggang 12 taon ang mga importer, nagmamay-ari ng cold storage facility at resellers ng ipinuslit na mga iladong karne.
Ang nasabing pahayag ay bunsod ng nadiskubreng storage facilities na pinag iimbakan ng mga hinihinalang expired at smuggled frozen meat na nagkakahalaga ng Php 35 million sa Meycauayan, Bulacan kamakailan.
Nabatid na tinututukan ngayon ng DA ang pag tunton sa mga posibleng resellers ng expired at smuggled na karne na nakumpiska ng ahensya at ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Meycauayan City.
Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Kristine Evangelista, maaaring makasuhan ang mga resellers ng naturang mga expired at smuggled na karne.
Kaugnay nito . kasalukuyang nagsasagawa na ang mga awtoridad ng imbentaryo sa mga nakumpiskang karne at iniimbestigahan kung saan ibinibenta ang mga nirepack na karne.
Binigyang diin din ng DA official sa mga tumatangkilik ng smuggled na produkto dahil mura nga subalit hindi naman ligtas kainin ang mga ito dahil hindi dumaan sa pagsusuri.