May 12 pang lalawigan sa Luzon ang nakapagtala ng mataas na COVID-19 positivity rate.
Sa ibinahaging datos ni OCTA Research group fellow Dr. Guido David ,bukod sa Metro Manila na nakapagtala ng mataas na COVID-19 positivity rate mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3 ay may siyam na lalawigan pa ang tumaas.
Sa 12 lalawigan na nakapagtala ng mataas na positivity rate, ang Nueva Ecija ang may pinakamataas na umabot sa 39.1% mula sa 32.9%hanggang noong Sabado.
Nangangahulugan umano ito na apat sa 10 indibiduwal na sinuri ang nag-positibo sa COVID-19.
Sinundan ito ng Camarines Sur na mula sa 27.7% ay naging 38.8%; Ilocos Sur mula 32.9% na naging 36.2%.
Kasama rin ang Cagayan na tumaas ang COVID-19 positivity rate na mula 18.2% na naging 21.4%, Rizal mula 13.2% na naging 19.7% , Laguna mula 13.1% na naging 19.2%, Pangasinan mula 16.5% na naging 16.6%, Quezon mula 7.2% na naging 13.3%, Bataan mula 9.7% na naging 11.2%, Ilocos Norte mula 7.8% na naging 11.1%, Zambales mula 6.1% na naging 10.7%), at Pampanga mula 8.3% na naging 10.6%.
Sa kabila nang nagkaroon ng pagbabago sa Isabela ay nanatiling mataas ang COVID-19 positivity rate na naging 38.6% mula sa 44.4%.
Samantala,patuloy naman sa pagtaas ang positivity rate sa Metro Manila na nasa 12.4% mula sa 11.1%.
Hanggang nitong Disyembre 2, itinataya ng.mga eksperto sa Department of Health (DOH) na ang arawang kaso ng COVID-19 ay maaring tumaas sa 3,172 ngayon buwan kung hindi susundin ng mga tao ang minimum public health standards, gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at hand hygiene.
Nabatid na noong Linggo aykinumpirma ng DOH na umabot sa 1173 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 18,256 ang aktibong kaso.
Umabot na rin sa 4,041,023 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng COVID at 64,725 ang nasawi.














