Maga ang katawan at naagnas na nang matagupuan ang isang 12- anyos na binatilyo nang lumutang ito sa ilalim ng tulay kamakalawa ng hapon sa may Bacood – Mandaluyong Bridge sa Sta.Ana, Maynila.
Napag-alaman na may limang araw nang pinaghahanap ng kanyang kaanak ang biktimang si Prince Khian Flores, ng NIA Road , Barangay Pinyahan, Quezon City.
Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Jansen San Pedro ,alas- 3:36 ng hapon nang makitang palutang-lutang ang biktima sa Ilog Pasig sa nabanggit na.lugar.
Ayon sa pulisya , Agosto 15 nang maiulat na nawawala ang biktima, at huli itong nakitang buhay sa gilid ng creek sa tabi ng Quezon City Postal Office sa Brgy.Pinyahan Quezon City, habang naglalaro kasama ang ilan nitong kaibigan, kung saan ito umano’y nadulas at nahulog sa tubig.
Kaagad namang ipinagbigay-alam ng mga saksi ang pangyayari sa Quezon City Risk Reduction Management Office (QCRRMO) at ito ay nagsagawa ng rescue operation.
Positibo namang kinilala ng kanyang ama na si John Albert Flores, 31 , isang traffic enforcer, ang biktima.














