Latest News

12-17 yrs old na non-immunocompromised, posibleng ma-booster dose na

May posibilidad na ilarga na ng pamahalaan ang pagturok ng COVID-19 booster dose ang mga kabataang non-immunocompromised na kabilang sa 12-17 age group simula ngayon araw, Hunyo 30, o sa mga susunod na araw.

Nabatid kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na ang DOH ng mga panuntunan na magpapahintulot sa mga kabataang ito na tumanggap ng kanilang COVID-19 booster shots .


“Na-issue na po natin ang guidelines coming from the DOH. Ngayong araw po na ito, meron na po tayong orientation sa ating mga local vaccine operations center,” ayon kay Vergeire sa Laging Handa public briefing.

“And hopefully tomorrow (Hunyo 30) or in the coming days we will already start the booster shots for the 12 to 17 years old who are not immunocompromised,” dagdag ni Vergeire.

Nalaman na maaaring tumanggap ng karagdagang dose o first booster dose ang mga naturang kabataan, kung may limang buwan na ang kanilang COVID-19 second dose.


Nabatid na puwede silang magparehistro sa lokal na pamahalaan at barangay o kaya ay magtungo sa mga walk in vaccination sites, kasama ang kanilang mga magulang o guardian.

Gayundin,dapat na magdala ng balidong identification cards, dokumento na nagpapatunay sa relasyon sa bata at ang COVID-19 vaccination card ng mga batang magpapabakuna.


Una nang ini-rollout ng pamahalaan ang first booster dose para sa 12-17 years old na immunocompromised noong nakaraang linggo. Eligible silang tumanggap ng naturang bakuna, 28-araw matapos na tanggapin nila ang kanilang COVID-19 primary series o una at ikalawang dose ng bakuna.

Samantala, sinabi ni Vergeire, sumulat na rin sila sa Food and Drug Administration (FDA) at hiniling na pag-aralan ulit kung maaaring isama na sa mga maaaring bigyan ng second booster dose yaong mga 50-59 years old na, gayundin ang mga indibidwal na may comorbidities.


Sa datos ng DOH, hanggang noong Lunes ay mayroon nang kabuuang 70.5 milyong indibidwal ang fully vaccinated at ss naturang bilang, 15 milyon pa lang ang nakatanggap na ng kanilang first booster shots.

Habang nasa 9.5 milyon naman ang mga teenager at 3.4 milyon ang mga batang may edad 5-11 ang nakatanggap na ng kanilang primary series. (Carl Angelo)



Tags: Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire

You May Also Like