Latest News

113 reklamo ng vote-buying

Umakyat na sa 113 ang reklamo ng vote buying laban sa ilang kandidato ang naisampa na sa Commission on Elections (Comelec).

Nalaman na 17 sa naturang reklamo ,ang unang iimbestigahan ng Comelec na may kaugnayan sa pagbili at pagbebenta ng boto.

Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ,ang mga reklamo Y dumaan sa Law Department ang verified complaint-affidavits.


“The prescription period for election offenses is five years from the date of commission so complaints can still be filed,” ayon kay Laudiangco..

Nabatid na isa sa kaso ay isasagawa ang preliminary investigation sa field office para hindi makaabala sa mga partido habang ang isa ay sa Law Department sa Intramuros, Manila central office.


Ayon kay Laudiangco naaksyunan na ng Comelec ang lahat ng reklamo sa kanilang tanggapan. (Anthony Quindoy)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read