Latest News

11 Pulis-Albay, sabit sa murder at tanim-ebidensiya

SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation(NBI) sa Department of Justice (DOJ) ng kasong multiple murder at planting of evidence ang 11 pulis Albay dahil sa pagpaslang sa 28 anyos rent a car driver at dalawang iba pa noong Hulyo,2021 sa Oas,Albay.

Kasama ng mga ahente ng NBI-Death Investigation Division nagsampa ng kaso sa DOJ si Evelyn Samson Bautista, nanay ng biktimang si Jose Maria Arvin Bautista at ang biyuda nito na si Frances Louissie Bautista

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sina Oas police chief, Maj. Jerald John Villafuerte, Maj. Ray Anthony Villanueva, Capt. Raul Racho, Lt. Victor Borjal, Staff Sgt. Mark Anthony Reblora, Master Sgt. Nestor Salire Jr., Pat. Geofrey Avila, Senior Master Sgt. Romeo Raro Jr., Chief Master Sgt. Marvin Boral; Staff Sgt. Henry Ballon at Staff Sgt. Mark Jay Sevilla.

Sa imbestigasyon, lumabas na umalis ang biktima sa Valenzuela City noong Hulyo 19, 2021, sakay ng kanyang silver Suzuki Ertiga (NEK-1508) para sa isang biyahe sa lalawigan nv Quezon Province para sunduin ang dalawang pasahero na sina Ramon Mutuc Jr. at Gregorio Garcia.

Noong sumunid na araw, tinawagan ng Albay police si Evely oara ipaalam ang pavkamatay ni Arvin at dalawa nitong kasama dahil sa isang shoot-out.

Sa 211 pahinang complaint affidavit ng NBI nalaman na ang tatling biktima ay negatibo sa powder burns sa paraffin tests.

Wala umanong tama ng bala ang sasakyan at ang mga tama ng bala ay paibaba dahilan para sabihin na nakaluhod sila ng pagbabarilin.

Nakita rin ng NBI na may mga galos sa “wrist” ni Arvin na nagpapakita na pinipigilan ang kanyang mga kamay.

Matatandaan sa reports ng Police Regional Office 5 (Bicol) ,ang tatlong biktima ay napatay umano sa buy bust kung saan nakarekober ang mga pulis ng P1.75 milyon halaga ng shabi at tatlong baril. (TSJ)

Tags:

You May Also Like

Most Read