11 opisyal ng (PRO-NCR), inasuhan ng graft ng NBI-AGD

SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division (NBI-AGD) ng kaso sa Office of the Ombudsman ang 11 opisyal ng PhilHealth Regional Office – National Capital Region (PRO-NCR) Accreditation Committee kaugnay sa iregularidad sa in Health Care Provider (HCP) accreditation renewal.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric Distor, kasong paglabag sa Section 3(e) of RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act),gayundin ng paglabag sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), ang mga opisyal ng PRO-NCR officials at personnel na sina Dr.Nenita Efipania Balbuena , Dr. Imelda Trinidad De Vera-Pe, Janive Gem P.Perlas, MD, Rofien H.Ison, MD, Diode G.Lantora, Atty. Yasser Ismail A.Abbas, Allan M.De Villa,Alejandrino T.Perez, MD, Jeggrey Y. Pe, Dennia S.Mas at Sr Celstina Ma.Jude P.Dela Serna.


Nabatid kay Distor na nag-ugat ang kaso sa mga opisyal at personnel ng PRO-NCR matapos na.makatanggap.ng liham kay Mas, , Vice President of PRO-NCR kung saan pinapaalam sa kanya na ang kanyang aplikasyon para sa re-accreditation ay ma deny ng PRO-NCR Accreditation Sub-Committee mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 4, 2019 dahil sa “practice inconsistent with the acceptable quality of care”.

Noong Mayo 2017, ang complainant, sa pamamagitan ni Atty. Paulo S. Selva, ay humiling sa NBI.na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y injustice ginawa ng PRO-NCR officials sa kanyang HCP re-accreditation.

Gayunman noong Hulyo 2018,iniurong ng complainant na hindi pinangalanan ang kanyang reklamo matapos na makatanggap ng verbal advice mila.kay Dela.Serna,dating Interim/Officer-In-Charge, President and CEO PHIC na aiya ay ia-accredites kung oiurong niya ang reklamo.sa NBI.


Gayunman ,noong Setyembre,2020 ay hiniling ng NBI na.muling buhayin ang kanyang kaso dahil ang re-accreditation ay hindi naisulong.

Sa notice of denial ay may petsang Okrubre 13, 2016 pero ang Accreditation Sub-Committee denial order ay ante-dated mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 4, 2019.


Ang Minutes of Accreditation Sub-Committee Meeting PRO-NCR ay may petsang Oktubre,2016 ay deliberated, approved, at nilagdaan ng Sub-Committee NCR Members noong Agosto 3,2016.

Ayon sa PHIC ang idineny ang accreditation ngcomplainant dahil sa umano’y kasong isinampa sa kanya ng PHIC.


Gayunman, sinabi ng complainant na siya ay pinagkaitan ng due process na ginarantiyahan sa ilalim ng National Health Insurance Act of 1995, kung saan ang grounds na ginamit sa denial ay hindi naipaliwanag na.mabuti.

Gayundin, hindi naresolba ng PHIC ang alegasyon laban sa kanya pagkatapos na mapagsilbihan niya ang suspensiyon mula Hulyo,2016 hanggang Hunyo 2019.



Tags: National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division (NBI-AGD)

You May Also Like