Arestado ang dalawang miyembro ng malaking sindikato ng iligal na droga na nago-operate sa bansa at nakumpiska ang may 11 kilong shabu na nagkakahalaga ng P74.8 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng BBB Condominium, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.
Kabilang sa mga naaresto ng pinagsanib na tauhan ng Special Operation Unit (NCR), Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) at Philippine National Police -Drug Enforcement Group,ang mga suspek na sina Jebrasul Amil,37, ng Rodel Nagal,45 at residente ng Blk 2 Lot 49, Molino 4 Amares Subdivision, Molino, Bacoor, Cavite.
Alas- 7:45 ng gabi nang ikasa ng mga awtoridad ang buy- bust operation sa 35th floor Unit 3519 BBB Condominium , Ermita, Maynila .
Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek ang 11 kilo ng shabu na nasa vacuum- sealed plastic, kulay pula at itim na eco bag,P1,000 na marked money at walong bundle ng tig -P1000 boodle.money,cellphone, passbook at kulay brown na pitaka.
Dinala ang mga suspek sa Camp Bagong Diwa habang sa MPDFU naman dinala ang mga nakumpiskang shabu para sa laboratory examination.
Napag-alaman na ang dalawang suspek ay miyembro ng malaking sindikato na.kinabibilangan ng mga Filipino-Muslim at pinamumunuan ng Chinese nationals.
Ang pagkakabitag sa dalawang miyembro ay resulta ng.masusing intelligence at ang pagkaka-diskubre ng bank deposit slips ay nagpapakita ng kritikal na breakthrough.
Nakahanda.umanong maghain ng petisyon para ma-freeze ang bank account ng sindikato.