11 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING SYNDICATE, NAILIGTAS NG PHILIPPINE NAVY

By: Victor Baldemor Ruiz

LABING-ISANG hinihinalang biktima ng human trafficking syndicate ang iniligtas ng mga tauhan ng Philippine Navy -Naval Forces Western Mindanao habang sakay ng isang motor launch sa Bongao Tawi-tawi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci, nagsagawa ng anti-human trafficking operation ang mga intelligence operatives ng NFWM katuwang ang 1st Special Operations Unit Maritime Group at Local Government Unit- Local Committees on Anti-Trafficking na nag-resulta sa pagkakaligtas sa 11 hinihinalang biktima ng human trafficking.


Binubuo ang mga ito ng dalawang babae at siyam na lalaki, kung saan patungo sana sila ng Sandakan, Malaysia sa pamamagitan ng backdoor channel na walang kaukulang work at travel documents lulan ng MV Magnolia Liliflora nang masabat sa Bongao Pier, Brgy Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Sa isinagawang initial investigation kasunod ng nabangit na operation ng Philippine Navy sa tulong din ng 1st Special Operations Unit Maritime Group, Tawi-Tawi, TOG-Sultaw, PCTC-WMFO, PMFC Tawi-Tawi, Coast Guard Central Station Tawi-Tawi ay inihayag ng mga biktima na pagdating sa Malaysia ay susunduin sila sa Sandakan ng tatlong tao na kinilalang sina Faizal, Rahim at Abs nap wang residente ng Semporna, Malaysia.

Matapos ang isinagawang rescue operation ay agad silang itinurn- over sa Maritime Police Assistance Post sa Bongao Pier para sa comprehensive profiling and documentation.


Isasalang din ang mga ito sa counseling at stress debriefing sa ilalim ng Office of the Ministry of Social Welfare and Development ng Bongao.


Tags: Philippine Navy - Naval Forces Western Mindanao

You May Also Like