Patay ang isang 11-anyos na dalagita habang sugatan naman ang isang mag-ina matapos araruhin ng isang sasakyang minamenho ng isang ‘student driver ‘,kahapon ng umaga sa westbound lane ng Solis corner 19-De Hunyo Streets sa Gagalangin, Tondo Maynila.
Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section, naganap ang insidente alas-2 ng madaling araw nang salpukin ng suspek na si Juan Paolo Crisostomo ang tatlong pedestrian na kinabjbilangan ng 11- anyos na dalagita, isang 24-anyos na babae at anak nitong pitong-taong gulang
Ayon kay PMaj Jaime Gonzales, hepe ng MDTEU. sa kuha ng CCTV ay nakita ang Suzuki APV na minamenho ng suspek na nasa “parked position” sa westbound lane ng Solis St., Gagalangin, Tondo, Maynila. Paalis na ito sa lugar nang banggain nito ang tatlong biktima, isang nakaparadang tricycle at gate ng isang bahay.
Mabilis na isinugod ang mga biktima sa Tondo Medical Hospital para sa agarang lunas pero makalipas ang ilang oas ay nasawi ang dalagita.
Napag-alaman na nag-aaral umano ang driver na magpatakbo ng sasakyan at posibleng gasolina ang naapakan nito sa halip na preno.
Ang suspek ay sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting ino homicide at frustrated homicide.