Umabot sa 10,816 examinees ang sumabak kahapon sa 2023 Bar examination sa may 14 na Local Testing Centers sa bansa.
Sa nabanggit na bilang, 4,984 bar examinee ang repeater ngayon at 5,832 naman ang mga ngayon pa lamang sumabak sa bar examination .
Ayon sa Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng Office of the Bar Chair nasa 2,571 Bar personnel ang idineploy nationwide sa national headquarters at sa mga LTCs para tiyakin na magiging maayos ang bar examination.
Kinabibilangan ito ng personnel sa SC, Court of Appeals(CA) , Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at First- and Second Level Courts at mga abogado ng gobyerno at pribado.
Ang 2023 Bar examination ay hahatiin sa anim na subject na kinabibilangan ng Political and Public International Law (15%); Commercial and Taxation Laws (20%); Civil Law (20%); Labor Law and Social Legislation (10%); Criminal Law (10%); at Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises (25%).
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, Chairperson ng 2023 Bar Examinations, nagsasagawa ng masusi at araw -araw na monitoring sa Office of the Bar Chair sa mga Bar applicants sa anumang feed back kaugnay sa Bar Examinations.
“We connect with the Bar takers through the hard work that we share. To be with our baristas is our way of giving them a feeling of enlightenment, comfort, a boost of confidence, and a push to proceed and succeed,” dagdag ni Justice Hernando.
Ang lahat ng anunsiyo kaugnay sa 2023 Bar Examinations ay maaring makita sa microsite ng Supreme Court official website: https://sc.judiciary.gov.ph/bar-2023/.