Latest News

108 Pinoys sa Hong Kong positibo sa COVID-19

NASA 108 Pilipino na nasa Hong Kong ang iniulat na nagpositibo na sa COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong Biyernes.

Sa pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, sa naturang bilang, 77 sa kanila ang nakiusap na mailipat sa isolation facilities habang ang natitira ay nasa iba;t ibang mga ospital.

Ayon pa kay Arriola, ang mga Pilipinong nagpositibo sa virus na nawalan ng trabaho ay mananatili sa isolation facilities hanggang sila ay gumaling.

“They will be under the protection of the consulate. And when they become well, we will facilitate their repatriation,” ani Arriola sa isang televised public briefing.

Hindi siya nagbigay ng detalye kung ilan ang bilang ng OFWs na nakatakdang umuwi sa bansa.

Samantala, sinabi ng mga opisyal ng Pilipinas na nasa Hong Kong na iimbestigahan ang ulat na ilang employers ang iligal na sumibak sa kanilang Filipino domestic workers na dinapuan ng COVID-19.

Nagbabala ang Philippine Consulate na iba-blacklist ang sinumang employer na magtatanggal sa trabaho ng mga Pilipinang nagkaroon ng COVID-19.

Ayon sa ulat, ang Hong Kong ay nakapagtala ng mahigit 80,000 COVID infections at mahigit 400 na namatay sa virus simula noong 2020.

Tags:

You May Also Like

Most Read