108 HALAGA NG DROGA, WINASAK NG PDEA

NASA P108-milyong halaga ng ilegal na droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na bigyan ng clearance ng korte sa Bacnotan, La Union.

Sa ulat na ipinarating kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang joint destruction ceremony ang isinagawa para sirain ang bahagi ng mga nakumpiskang drug evidence sa mga ikinasang anti-drug operations at alinsunod na rin sa kautusan ng mga korte.

Sinira sa pamamagitan ng thermal destruction ang mahigit P29-milyong halaga ng drug evidence na nasamsam ng PDEA ROI gayundin ang mahigit P79-milyong droga na nasa pag-iingat ng PDEA RO-CAR.


Kabilang sa sinirang droga ang shabu, marijuana, kush, ecstasy, liquid marijuana at liquid shabu na nasaksihan ng iba’t- ibang grupo at opisyal kabilang na ang religious groups. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read