Latest News

1,000 PDLs, palalayain ni PBBM ngayong Christmas season

By: JANTZEN ALVIN

May 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang inaasahagn bibigyan ng pardon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Christmas season.

Ito ang kinumpirma ni Department of Justice Assistant Secretary Mico Clavano, kung saan napag-alaman na ang pardon ay ibinibigay kapag birthday ng Presidente o Pasko.


“I’m not particularly sure of the number [of recipients], but last year, it was close to 1,000. We’re expecting a similar amount this year,” dagdag ni Clavano .

Ayon kay Clavano ,ang pagbibigay ng pardon ay base sa kuwalipikasyon at wala umanong binibigyan ng prayoridad ang DOJ.

Sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa.mahigit 74,000 PDLs ang napalaya na ngayong 2023.


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read