Latest News

1,000 GRAMO NG SHABU HULI NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA isang kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kinasang anti- narcotics operation nitong nakalipas na linggo sa Brgy. Almanza Uno, Las Pinas City.

Sa ulat na ibinahagi NI Arvin Targa, Regional PIO ng PDEA , matagal din nilang isinailalim sa surveillance ang susepk bago inilatag ang buy bust operation.

Base sa report na nakarating kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, isang umaktong poseur-buyer ang bumili ng illigal na droga sa suspek at agad na nagbigay ng hudyat para hulihin ang target ng mag positive ang transaksyon.


Kabilang sa mga narekober na ebidensiya ang isang kilong shabu, isang libong piso, boodle money, isang cellphone, isang weighing scale, lighter, 2 tooter, at isang gunting sa loob ng sinalakay na bahay.

Ayon sa PDEA, nasa P6.8 milyon ang tinatayang halaga ng nasabat na umano’y droga sa Unit 2B Blk 10 Lot 8, Catmon St cor Rambutan St Doña Josefa Village, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City.

Pumalag ang suspek sa paghuli at dumating sa puntong sinasaktan niya ang kanyang sarili, ayon kay Targa.

“More than a month na sinu-surveillance natin ‘yung suspect. Nakuha natin is more or less suspected 1 kilo ng shabu. Technically medyo malaki ‘yung nakuha natin sa kanya for an individual pero tinitingnan din natin ‘yung anggulo na part siya ng organization,” ayon sa opisyal.


Makakasuhan ang suspek na si Bryan Castillo Hong, 39 anyos ng paglabag sa Article 2 sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.

Tags: PDEA Director General Moro Vergilio Lazo

You May Also Like

Most Read