100 pulis-Maynila, sumalang sa ‘suprise drug test’

By: Baby Cuevas

Umabot sa may 100 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang sumalang sa isang sorpresang drug test na isinagawa kahapon ng umaga sa MPD Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Ayon kay PMajor Philipp Ines, hepe ng MPD-Public Information Office, bahagi umano ito ng pinaigting na internal program ng MPD.


Nais umanong matiyak ni MPD Director PBGen Andre Dizon na walang drug addict na pulis sa Maynila.

Tiniyak ni Ines na mahaharap sa kasong administratibo na posibleng ikatanggal sa serbisyo ang mapapatunayang adik na pulis.

Napag-alaman na magsasagawa ng serye ng drug test ang MPD maging sa mga istasyon ng pulis.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like