Aabot sa mahigit 100 kabahayan at commercial establishments ang naabo matapos sumiklab ang isang sunog Miyerkules ng hapon sa kahabaan ng Claro M.Recto Avenue at Oroqueta St.,sa Sta.Cruz,Maynila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP) na pinamumunuan ni Supt. Christine Doctor-Cula na nagsimula ang sunog alas-3:11 ng hapon na umabot sa ika-limang alarma at idineklarang ‘fire under control’ alas-5:24 ng hapon.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil ang mga nasunog na bahay ay dikit -diikit at pawang gawa sa light materials.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.
Patuloy na iniimbestigahan ng arson division ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














