Latest News

100.43% ng target population, bakunado na laban sa COVID-19 — DOH

Nalagpasan na ng Department of Health (DOH) ang bilang ng populasyon na target nilang mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa inilabas na National COVID-19 Bulletin ng DOH nitong Martes ng hapon, nabatid na hanggang nitong Marso 12, 2023, kabuuang 78,438,601 na ang fully vaccinated individuals sa bansa.

Ito ay 100.43% ng populasyon na target na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19.


Sa naturang bilang, 23,801,071 milyon na ang nakatanggap ng booster shots.

“Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.43% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots,” anang DOH.

Sa kabilang banda, nasa 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series o ng first at second dose ng bakuna.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng paliwanag ang DOH sa biglaang pagtaas ng kanilang vaccination accomplishments.


“The sudden increase in the vaccination accomplishments is due to the shift from using aggregate counts reported through the Vaccine Operations Reporting System (VORS) to a linelist-based database, Vaccination Administration System (VAS),” dagdag pa nito. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read