INIREKOMENDA na ng Office of General Prosecutor (OPG) ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kadong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 ang sampung katao na naarestong National Bureau of Inveatigation(NBI) ,dahil sa pagkakarga sa kanilang sasakyan ng may 1,680.563kg ng methamphetamine hydrochloride sa Infanta,Quezon noong Marso 15 .
Ayon sa resolusyon ng DOJ may petsang Marso 21, kabilang sa mga kinasuhan sina Alvin Ibardo, Jaymart Gallardo, Reynante Alpuerto, Jenard Samson, Jamelanie Samson, Mark Bryan Abonita, Marvin Gallardo, Dante Mannoso, Eugene Roger Bandoma, at Kennedy Abonita.
Nalaman na ang NBI Task Force Against Illegal Drugs ay nagsagawa ng imnbestigasyon ,base sa isang impormante na may iligal na droga na darating sa Pilipinas at idinaan ito sa karagatan ng Infanta, Quezon Province. Then, another group would transport the
Ang mga kontrabando ay inilagay sa 3 van bago ito nasabat ng mga ahente ng NBI.
Nabatid na naglatag ng checkpoint ang NBI at nang sitahin ang tatlong van ay dito na nakita ang pake pakete ng iligal na droga.
Unang iginiit ng mga suspek na hindi nila alam na shabu ang karga nila sa van .
Ang kaso ay isasampa sa mga suspek sa Regional Trial Court of Infanta, Quezon. (Jaymel Manuel)