Sumuko at nagbaba na ng kanilang mga armas ang 10 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Lupang Pangako, Phase 2, Covered Court, Brgy. Payatas, Quezon City, kasabay ng golden (50th) Anniversary ng Martial Law.
Kinilala ni PBGen Jonnel Estomo,Acting Regional Director ng NCRPO ,ang mga sumuko na sina @Ka Roger, miuembro ng L1, KP3- Sorsogon; @Ka Primero, miuembro ng L1, KP5- Sorsogon; @Ka Velyn, ng L1, KP3- Sorsogon; @Ka Darrio, miyembro ng L1, KP1- Camarines Norte; @Bunso, L1, (Central) sa ilalim ng @Bryan Masamoc at @Daddy TN Raul Tolingin; @Ka Beng, Platoon 3, L2, KP4 finance office (2007) (S4) sa ilalim ni @Rading, Medical Staff sa ilalim ni @Bukbok/Rowen (2008) TN Dindo Monsanto; @Ka Jomari Platoon 3, L2, KP4 miyembro ng SPARU sa ilalim ni @Arlan, Ed Ricky, Tito; @Junjun, Platoon 3, L2, KP4, sa ilalim ni @Daddy, Julie, JK, Ryan;
@Janjan, Platoon 3 L2, KP4 sa ilalim ni @Emman at @Daddy;at @Ka Roy, Platoon 1, L2, KP4 CO.
Isinuko ng mga rebeldeng nagbalik loob ang kanilang mga armas gaya ng isang 5.56 rifle na.may (6) short magazines at 122 rounds ng 5.56 ammunitions, 4 rounds ng 40mm grenade launchers; 1 sumpak na may 18 rounds ng 12 gauge shotgun ammo; 2 shotgun na may 36 rounds ng 12 gauge shotgun ammo; at.2 38 cal revolver na may 2 balab.
Mainit naman tinanggap ni Estomo ang mga rebeldeng nagbalik loob at ipinroseso na ang kanilang
” Renunciation of Membership and Support ” mula sa kaliwa at nanumpa na rin ng Allegiance sa Republic of the Philippines.
Bilang pruwrba nagbigay ng kanilang mga testimonyabkaugnay sa mapait nilang karanasan sa loob ng Kilisan.
Nalaman kay Estomo na unang nagpadala ng surrender feelers ang mga rebelde at nagoahayag ng kahandaan na magbalik loob sa pamahalaan.
“Unti unti na nating nararamdaman ang epekto ng programa ng ating Chief PNP ang MKK=K kung saan ang isang sangkap na Kapayapaan ay magbubuo ng tunay na Kaunlaran sa ating bansa na siya din namang pangarap ng ating Pangulong Bongbong Marcos. Naniniwala din ako na ang maayos at matibay na ugnayan sa ating mga komunidad ay daan para mapanatili ang katahimikan sa ating rehiyon. Ang inyong tiwala, pagpapahalaga at pakikilahok ay kaugnay ng ating programang S.A.F.E NCRPO kung saan habang kayo ay natutulog kami ay nagtatrabaho kaya’t napasuko natin itong mga kababayan natin na naloko ng masamang paniniwala sa mahabang panahon. Sa NCRPO Safe kayo kaya’t “Tulong tulong Tayo,” ayon kay Estomo. (Arsenio Tan)