Inihayag ni Chinese Ambassador to Manila, His Excellency Huang Xilian, na nasa 9,996 direct jobs at 1,126 indirect jobs ang malilikha matapos aprubahan ng China ang Durian importation mula Pilipinas noong buwan ng Enero,
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa China ay kabilang sa mga kasunduan nilagdaan nila ni Chinese President Xi Jinping ang “Protocol of Phytosanitary Requirements for Export of Fresh Durians From the Philippines to China between the General Administration of Customs of the People’s Republic of China and the Department of Agriculture of the Republic of the Philippines.”
Naniniwala si Ambassador Huang Xilian na ang nasabing Mutual Recognition Arrangement ay isang hakbang para palawakin ang agricultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Umaasa si Chinese Ambassador Huang Xilian na magbebenepisyo dito ang mas maraming mga Filipino farmers at agriculture tires sa pagitan ng China at Pilipinas, na sinang-ayunan din ng mga kasapi ng Durian growers at planters association sa Davao .
Dahil din sa pag-apruba ng China sa pagluluwas ng durian ng bansa ay magkakaroon ng parehong market access ang Pilipinas gaya ng Thailand, Malaysia at Vietnam.
Ang naturang development ay bunga ng pagsisikap ng administrasyon matapos ang state visit ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Beijing noong nakalipas na linggo kung saan ilang kasunduan ang nilagdaan sa maraming industriya kabilang ang nasa sektor ng agrikultura.
Nabatid na nakalusot ang nasabing agricultural product ng bansa sa isinagawang risk assessment sa lugar kabilang ang orchard harvesting, fruit packaging, pest monitoring, chemical control, COVID-19 prevention and traceability system ng market access investigation team of experts sa rehiyon.
Ang China ay major durian consumer, na nag-iimport ng nasabing prutas nang aabot sa 822,000 tonelada na nagkakahalaga ng USD4.21 billion noong 2021 at hanggang 82.4% sa nakalipas na taon.
Pahayag pa ng Chinese envoy: “ I hope these numbers translate to greater benefits for Filipino farmers and China-Philippine agriculture ties.” (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














