Aabot sa may 10 bahay ang naabo matapos madamay na masunog kahapon ng tanghali sa panulukan ng Banana Island at Torres Bunallon Street sa Tondo, Maynila.
Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire protection (BFP), alas-12:18 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa nabanggit na lugar.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire under control ala- 1:26 ng hapon.
Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang sunog dahil sa makapal na usok.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog.
Patuloy namang inaalam ng arson division ang sanhi ng sunog at ang halaga ng napinsalang ari-arian. (Philip Reyes)