10-ANYOS NA PWD, PATAY NANG MAKULONG SA NASUSUNOG NA BAHAY

By: Baby Cuevas

NASAWI ang isang 10-anyos na batang lalaki na isang person with disability (PWD), nang ma-trap sa nasusunog nilang tahanan sa Paco, Manila nitong Miyerkules ng umaga.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-10:20 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ni Venerando Tablo, na matatagpuan malapit sa kanto ng Merced at San Antonio Streets sa Paco.

Nabatid na nasa silid ang biktima nang maganap ang sunog at tinangka pa umanong balikan ng pamilya ang biktima upang iligtas ngunit hindi na kinaya pa ang matinding init, dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.


Bangkay na nang matagpuan ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang fire-out dakong alas-11:38 ng umaga at may tatlong bahay ang naapektuhan.

Itinatayang aabot sa P70,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian habang inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read