AMINADO sa kanilang kahirapan ang may 10.7 milyong Filipino base sa isinagawang pag aaral ng Social Weather Station sa huling bahagi ng taong 2021.
Sa huling poverty survey na ginawa ng SWS, apat sa bawat sampung pamilyang Filipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap o katumbas ng 43 percent
Base sa pag-aaral ay maituturing pang positibo ang nasabing datos dahil bahagyang bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap noong huling quarter ng 2021 kumpara sa 11.4 milyon noong September 2021.
Bumaba ang self-rated poverty rate sa Mindanao at Metro Manila habang tumaas naman sa Visayas at Balance Luzon.
Base sa nasabing SWS survey na isinagawa mula December 2 to 16, 2021, 43% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay “mahirap”; 39 porsyento ang nasa “borderline poor” at 19% ang “hindi mahirap.”
Mas mababa ito sa 45% “poor”, 34% “borderline poor” at 21% “not poor” na naitala noong September 2021.
Subalit kahit naghihirap ang mga Pinoy ay , pangalawa pa rin ng Pilipinas sa pinakamasayang bansa sa buong timog-silangang asya kung saan nanguna naman ang bansang Singapore.
Ayon sa 2022 World Happiness Report, nakuha naman ng Pilipinas ang ika-60 pwesto sa listahan ng pinakamasayang bansa sa buong mundo.
Nakuha ng Pilipinas ang 5,904 puntos ngayong taon dahilan para umangat ng isang baitang kumpara sa ika-61 pwesto nito noong 2021.
Ang world happiness report ay sinusukat ang happiness ng 146 bansa base sa iba’t-ibang aspeto tulad ng gross domestic product per capita, social support, healthy life expectancy, personal na kalayaan at persepsyon sa korapsyon.
Samantala bilang tugon sa kahirapan ay pinag aaralan na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance (DOF) kung paano makapagbibigay ng ?500 ayuda sa mga pinakamahihirap nating mga kababayan.
Ito ay kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas mula ?200 sa ?500 ang cash assistance sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sinasabing inaantabayanan na lamang ng DSWD ang opisyal na kasulatan hinggil sa pamamahagi ng ayuda at ang pondong ibaba ng Department of Budget and Management (DBM). (VICTOR BALDEMOR)