10.5 milyon botante deactivated — Comelec

AABOT sa may 10.5 milyon rehistradong botante sa bansa ang na-activate o na delete sa listahan ng mga botante para sa darating na halalan sa Mayo 9.

Base sa datos mula sa Commission on Elections (Comelec) may kabuuang 7,236,952 deactivated voters at may 3,246,262 pangalan sa listahan ang na delete sa voters list.

Sa naturang bilang ,7,229,493 ang deactivated dahil sa pagkabigo na bumoto sa dalawang nakalipas na national election, 3,993 naman ang hindi isinama dahil sa court orders at 2,718 ang idineklarang insane o incompetent.


May 536 voters rin ang na deactivate matapos mahatulang ng mahigit sa 1 taon pagkabilanggo, , 134 ang nabigong mag validate at 26 ang na sentensiya dahil sa krimen laban sa national security.

Sa mga na delete na botante,
1,490,678 voters ang lumipat sa ibang siyudad at munisipalidad ; 892,627 ang double registrants, at 755,769 ang namatay.

Na delete ang 64,320 na nag doble ng entry at 42,868 ang nag apply bilang overseas voters.

Nabatid na.maynkabuuang 6,950,449 ang bagong registered voters habang 1,520,500 Sangguniang Kabataan (SK) ang botante at mag 18 anyos pagsapit ng halalan at automatikong masasama sa voters list.


Nabatid na may 65,831,792 ang kabuuang registered voters sa darating na halalan.

Samantala ,may 84,2221 ang inaprubahang aplikasyo sa Comelec – Committee on Local Absentee Voting (CLAV) .

Mayorya ng aplikante ay miyembro ng Philippine National Police — 48,698; Philippine Army — 32,786; Philippine Air Force — 4,261; Department of Education — 3,075; at 953 members of the media at may 9,346 applications ang hindi pinayagan. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read