Latest News

1 PATAY 9 MISSING SA LUMUBOG NA FISHING VESSEL

By: Victor Baldemor Ruiz

Isa ang inulat na nasawi habang siyam naman ang deneklarang missing matapos na lumubog ang isang fishing vessel sa Baganga, Davao Oriental kahapon ng madaling araw, ayon sa Philippine Coast Guard.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ,inihayag ni Allan Donaire ang kapitan ng fishing boat , nagkaroon ng biglaang pagbabago sa lagay ng dagat bandang hatinggabi na naging sanhi ng paglubog ng kanilang bangka bandang ala-1:00 ng madaling araw.

Lumilitaw sa pahayag ng mga nakaligtas na tripulante ng bangka ,, mayroong 24 na crew ang nakasakay nang mangyari ang aksidente sa dagat.

Nabatid na matapos na makatanggap ng distress call , agad namang nagtalaga ng mga tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) upang rumesponde sa lumubog na bangka.

Hanggang kapon ay nagsasagawa pa ng search and rescue (SAR) operations ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente at siniguro ang kaligtasan ng 14 na tripulante.

Tags:

You May Also Like

Most Read