Latest News

1 patay, 8 sugatan sa sumabog na LPG

PATAY ang isa habang Walo na naman ang sugatan nang sumambulat ang isang Liquified Petrolium Gas (LPG) sa kasagsagan ng isang pagdiriwang noong Linggo ng hapon sa Tondo, Maynila.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District -homicide section, nasawi nitong Martes ng umaga matapos na maratay pa ng ilang araw sa Tondo Medical Center ang biktimang si Angelito Carlito Y Catabay ,23 Construction worker at residente ng Vitas Tondo.

Habang patuloy pang inoobserbahan ang 2 indibiduwal sa nabanggit na pagamutan at ang 6 naman ay nasa Jose Reyes Memorial Medical Center, kabilang ang isang 8 anyos na babae.


Ayon kay PEMS Christian Joseph Pineda ng MPD-hs ,naganap ang insidente ala 1:30 ng hapon sa Blk.3 unit 321 sa Vitas St.sa Tondo.

May nagaganap umanong handaan at inuman sa lugar nang bigla umanong sumabog ang LPG tank .

Rumesponde naman sa lugar si FInsp Ronald Lim ng Manila Bureau of Fire Protection na nag imbestiga sa insidente.


Tags:

You May Also Like

Most Read