Latest News

1 PATAY, 3 KRITIKAL SA SUMALPOK NA PICK-UP TRUCK; MGA BIKTIMA, GALING BANAWE RELIEF OPERATION

Dead-on-arrival sa pagamutan ang driver ng isang pick-up truck habang malubha namang nasugatan ang tatlong sakay nito nang sumalpok ang kanilang pick-up truck sa kasalubong nitong 10-wheeler truck sa Cordon, Isabela nitong nakalipas na linggo ng umaga.

Diumano, ‘total wreck’ ang inabot ng pick-up truck kaya naging pahirapan ang pag-alis ng iba’t-ibang rescue unit sa naipit na driver ng pick-up.

Nabatid na miyembro ng isang non-government organization ang mga biktima na nagsagawa ng relief operation sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Banaue, Ifugao at papauwi na sana.


Lumilitaw sa paunang imbestigasyon ng Cordon Police na tinatahak ng sasakyan ang pababang bahagi sa national highway na sakop ng Barangay Caquilingan, Cordon nang umagaw umano ito ng linya sa kurbadang bahagi ng kalsada, kaya sumalpok ito sa kasalubong na 10-wheeler truck.

Nagawa pang makalabas ng sasakyan ang tatlong sakay ng pick-up sa tulong ng mga residente sa lugar, habang nanatiling nakaipit naman ang driver bunsod sa grabeng pagkawasak ng harapang bahagi ng kanyang sasakyan.


Nagawa ring maitakbo sa ospital ang biktima nakaraang maAlis siya sa pagkakaipit subalit binawian din ito ng buhay Sabado ng gabi.

Patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang kalagayan ng mga sugatan habang nasa kustodiya na ng Cordon Police ang driver ng 10-wheeler truck na posibleng maharap sa reklamong homicide, serious physical injuries at damage to properties. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Cordon Police

You May Also Like

Most Read