ISANG helicopter ng Philippine National Police ang bumagsak sa Quezon noong Lunes ng umaga dahil umano da masamang panahon na ikinasawi ng isang crew at ikinasugat ng piloto at co-pilot nito.
Naunang inulat na nawawala ang PNP chopper H125 Airbus matapos itong mag-take off noong alas-6 ng umaga sa Manila Domestic Airport sa Pasay City patungo sa probinsiya ng Quezon .
Ayon sa report, nasawi si Patrolman Allen Noel Ona habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa Infanta, Quezon kung saan kasalukuyan pang naka-confine sina Lt. Col. Dexter Vitug at Lt. Col. Michael Melloria, ang co-pilot ng chopper.
Sinabi ng pulisya na na-rescue ang mga biktima sa pinagbagsakan ng chopper sa Barangay Pandan, Real, Quezon.
Ipinag-utos na rin ng PNP chief na “grounded” lahat ng H125 Airbus Police helicopters habang inaalam pa ang sanhi ng aksidente.