Nasawi ang isa habang dalawa ang sugatan dahil lamang sa away basketball matapos na mamaril ang isang lalaking nagtangkang umawat sa kaguluhan at nadamay na masaktan kamakalawa ng gabi sa loob ng Pumping Basketball Covered Court sa Balut,Tondo,Maynila.
Ayon sa Manila Police District-Police Station 2,nakilala ang nasawi na si John Mathew Del Pilar ,24, ng 110 Simon Ext., Brgy 103, Tondo, Maynila, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center ang dalawa pang biktima na sina Johansel Austria,18, at taga 17-C T. Sora St., Brgy 105, Tondo,na tinamaan ng bala sa kanang bahagi ng katawan ; at Andrea Encisoestudyante at taga , 049 Pechay St., B103 Tondo.
Sa imbestigasyon, naganap umano ang insidenta alas- 10 ng gabi sa loob ng Covered court kung saan naglalaro ang team ng suspek.
Nabatid na naging mainit umano ang paglalaro ng dalawang koponan at umabot sa punto na ang isang player ng suspek ay tinamaan sa balikat ng kalabang player.
Namagitan umano ang suspek pero maging siya ay hinawi ng kalaban na team dahilan para bunutin ang kanyang baril na nakaaukbit sa kanang bahagi ng bewang at sunod sunod na nagpaputok dahilan para tamaan ang tarlong biktima na nanonood lamang ng laro.
Kaagad naman isinugid sa pagamutan ang mga biktima pero nasawi si Del Pilar.
Itinurn -over naman sa MPD-homicide section,ang suspek para sa kaukulang pagsasampa ng kaso. (Carl Angelo)