Isa pang bangkay ang nakuha, habang pito pa ang nawawala sa FB Genesis 2 matapos itong lumubog sa Baganga, Davao Oriental noong Huwebes.
Sa tinanggap na update report ng Philippine Coast Guard (PCG) ,ala-7:30 ng umaga mula sa PCG Station Dabap Oriental, ang bangkay ay positibong kinilala na Isa sa nawawalang tripulante ng FB Genesis 2. Ang bangkay ay nakita ng tripulante ng L/B Obet 3.
Una nang nasagip ng PCG BRP Tubbataha (MRRV-4401),Ang 14 na tripulante at 1 nasawi na tripulante.
Patuloy naman ang PCG sa kanilang search and rescue operation para hanapin ang pito pang nawawalang tripulante
Napag-alaman kay Allan Donaire, kapitan ng FB, na naka -encounter sila ng. pagbabago ng. kondisyon ng karagatan, dahilan para lumubog ang kalahati ng kanilang sea vessel.














