SUMAMPA na sa 1.8 milyon indibiduwal na target ng gobyerno ,ang nabakunahan laban sa COVID19 sa pinalawig na ikaapat na bugso ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ hanggng nitong Marso 18.
Sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario sa ginanap na Laging Handa Briefing na “We have reached our target, which is only 1.8 million.”
Una nang idinaos ang Bakunahan 4 ay mula Marso 10 hanggang 12 lang sana pero pinalawig ang bakunahan para sa general public hanggang noong Marso 15 habang ang pagbabakuna naman para sa senior citizen ay ini-extend hanggang Biyernes, Marso 18.
Sinabi ni Rosario na ang pagbabakuna para sa mga kabataang nasa 12 hanggang 17-anyos ay nagkaroon ng magandang turnout matapos na makapagbakuna ng may 255,000 kabataan na tumanggap ng first o second doses ng COVID-19 vaccines.
Habang mababa naman ang vaccination turnout para sa senior citizens na umabot lamang sa halos 100,000.
Iminungkahi ni Rosario na dapat dapat gawin sa senior citizen ay pupuntahan sila, kausapin at magkaroon ng social preparation para sa kanila.
Sinabi pa ni Rosario na ang pamahalaan ay nasa huling milya na lamang ng kanilang COVID-19 vaccination program dahil kakaunti na lamang sa adult population ng bansa ang hindi pa nababakunahan.
Ito ay iyong mga indibiduwal na mahirap na kumbinsihin dahil sa pagdududa o takot sa bakuna.
Balak ng gobyerno na magdaos na lamang ng “granular” vaccination drive sa bawat local government unit (LGU) mula sa dating nationwide campaign,ito ay ang pagdaraos ng special vaccination days sa
mga lugar na may mataas na bilang ng mga unvaccinated individuals, gaya ng Cebu, BARMM, at ilan pang lalawigan sa Region 12 na poaibleng gawin sa Marso at Abril. (JAYMEL MANUEL)