Latest News

1.8 MILYONG PINOY, DRUG USERS

“It is always best to attack the supply chain by preventing these illegal drugs from landing on our soil so that the evils that these drugs bring will not set foot on our land.”

Ito ang naging posisyon ni Bureau of Custom Commissioner Yogi Filemon Ruiz at kung paano din makakatulong ang Aduana sa giyera kontra droga ng administrasyon Marcos.

Ayon kay Comm. Ruiz base sa datos ng Dangerous Drug Board tinatayang nasa 1.8 million Filipinos ang drug users, habang may 4.8 million naman ang umamin na sumubok nang gumamit ng illegal na droga habang mas marami ang nagsasabing minsan sa buhay nila ay sinubukan nilang mag droga.


Kaugnay sa suliranin ng bansa sa iligal na droga mas mainam umano na laging puntiryahin ang tinatawag na “supply chain” na posible lang kung mapipigilan ang pagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas.

Lubha umanong nakaka alarma ang inilabas na report ng United Nations Office on Drugs and Crimes na ikinabahala rin ng mara­ming bansa sa Timog-Silangang Asya – kabilang ang Pilipinas.


Sa ulat na may titulong “Synthetic Drugs in East and Southeast Asia: Latest Deve­lopments and Challenges in 2022,” isang babala ang inilarawan sa mga posibleng kahinatnan ng mga bansang mabibigong puksain ang ilegal na kalakalan ng drogang nakapagtala ng pinakamalaking kita sa gitna ng pandemya.

Inilantad sa ulat na kabilang sa “major transit points” sa pagpasok ng mga kontrabando sa Pilipinas ang Malaysia na dalawang oras na byahe lang sa karagatan ang layo sa gawing katimugan ng Pilipinas.


Tukoy rin ang isang sindikato sa likod ng drug smuggling papasok ng Pinas.

Sa paglalarawan ng United Nations Office on Drugs and Crimes, malaki, makapangyarihan at maimpluwensya ang nasabing grupong namamayagpag maging sa mga bansang Indonesia, Japan, Australia at New Zealand.

“As one of the original graduates of the PDEA Academy, my training tells me that it is always best to attack the supply chain by preventing these illegal drugs from landing on our soil so that the evils that these drugs bring will not set foot on our land,” ani Ruiz.

Kaugnay nito target ng BOC na mas higpitan at paigtingin ang operation ng aduana sa pagbabantay sa mga pantalan at paliparan upang masawata ang pagpupuslit ng droga sa bansa .

Magagamit din umano ang mga makabagong sistema at kagamitan para masupil ang mga pagtatangkang magpuslit ng droga papasok ng Pilipinas.

Digitization and active collaboration with the PDEA and other local and foreign law enforcement agencies involved in the implementation and enforcement of anti-drug laws will play a significant role in achieving positive results in the fight against drug smuggling, ani Ruiz.

Sa tala ng BoC nitong nakalipas na taon ay may 107 drug bust operations na inilunsad na nagresulta sa pagkaka samsam sa may ?11.954 billion halaga ng illegal drugs.

We had 29 seizures of shabu (P11,845,427,600), 13 Ecstasy (P38,666,200), 10 liquid marijuana (P1,647,369.12), 27 marijuana (P11,198,256.79), 8 Ketamine (P11,656,927.50) and 4 cocaine (P44,518,500), among others. A total of 34 personalities were arrested and turned over to the Philippine Drug Enforcement Agency, the agency where I came from before I joined BoC. Dagdag pa ni Comm Ruiz. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Bureau of Custom Commissioner Yogi Filemon Ruiz

You May Also Like

Most Read