1.2M PASAHERO, 8,000 FLIGHTS AT 84% OTP, NAITALA NG MIAA SA PANAHON NG UNDAS

By: Jerry S. Tan

Labis na ikinatuwa ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng “OPLAN Biyaheng Ayos: Barangay & Sangguniang Kabataan Elections and Undas 2023” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Umabot sa 1.2 million passengers at 8,000 flights ang kanilang hinawakan at sa kabila ng malaking volume na ‘yan ay naabot pa rin ang kahanga-hangang On-Time Performance (OTP) rating na 84% mula October 27 hanggang  November 5.

Kaugnay ng MIAA projections para sa nasabing ten-day period na sumakop sa ‘long’ o extended weekend at holidays sa Undas season ng taong kasalukuyan, umanot sa kabuuang 1,232,130 passengers ang gumamit sa pangunahing paliparan, o average na 123,213 araw-araw.


Umabot sa 606,845 international at 625,285 domestic passengers ang mga nagsidaan sa NAIA nitong Undas.

Sabi ni MIAA public affairs officer Connie Bungag,  kinakatawan ng nasabing mga bilang ang 44% increase kumpara sa passenger volume na 856,030 noong parehong panahon ng nakalipas na taong 2022.

Ang pinakamataas na inabot ng passenger volume para sa kapwa domestic at international flights ay umabot sa 134,353 noong November 5 at nilagpasan nito ang mga numero noong nakalipas na taon nang may 39%.

Ayon pa kay Bungag, ang kabuuang flight movements mula October 27 hanggang November 5 ay umabot ng 8,001. Ito ay sa average na 800 flights kada araw, kasama na ang 3,055 international, 4,754 domestic at 192 cargo and utility flights.


Nangangahulugan ito ng 25% na pagtaas mula sa 6,427 total flights sa parehong panahon ng taong 2022.

Sa kabila ng flight movements na lumalagpas ng 800 flights per day mula  November 1 to 5, naabot naman ng MIAA ang average flight OTP na 84% para sa buong Undas 2023 season, na umabot sa pinakamataas na OTP ratings na 89% na naitala noong November 2 at 3. Isa itong maliwanag na indikasyon na ang mahalagang mayorya ng flights na umalis at dumatings a loob ng 15 minutes ng scheduled time ay pasok na pasok sa international standards.

“We are pleased with these results, which indicate the continuous recovery of the aviation sector from the COVID-19 pandemic. We find encouragement in the actual numbers aligning with our projections,” ani MIAA Officer-in-Charge Bryan Co.

Ang Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) program ng MIAA kung saan ay may terminal reassignments para sa mga piling airlines na layuning sagarin ang kapasidad ng apat na NAIA terminals, ay nakatulong upang lalong pagandahin ang ‘passenger handling and accommodation’ sa NAIA, lalo na tuwing tinatawag na ‘peak season’.


“We attribute the smooth operations to the extensive preparations made not only by MIAA but also to the collaboration of our partners and stakeholders, including the airlines, ground handlers, and over 20 various government agencies operating at NAIA.  Rest assured that MIAA will implement more improvement plans along the way to enhance the passenger experience at NAIA,” pahayag ni Co.

Higit sa lahat, walang aberyang naganap sa mga nasabing araw at dahil diyan, talaga namang binabati at pinapupurihan natin sina Sec. Bautista, GM Co at ang mga nasa likod ng operasyon sa NAIA. Sana tuloy-tuloy na ‘yan hanggang sa Kapaskuhan. Kudos sa inyong lahat!!!

* * *

Maaaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: epartment of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista

You May Also Like

Most Read