Latest News

1.2 MILYONG KATAO, APEKTADO NG TATLONG BAGYO, PATAY AT NAWAWALA, NASA 38 NA

By: Victor Baldemor Ruiz

LUMOBO pa ang bilang ng mga indibidwal na apektdao ng nagdaang bagyong Ferdie, Gener, Helen at hanging Habagat sa bansa, habang nasa 38 naman ang pinangngambahang nasawi at nawawala, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sa ibinahaging report sa NDRRMC ng DSWD, sinabi nito na umaabot na sa 356,000 na pamilya o katumbas ng 1.2 milyong indibidwal ang nakaranas ng mga insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa, habang nasa 23 ang ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng mga Bagyong Ferdie, Gener at Helen.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam dito ay mula sa MIMAROPA, apat sa Region 6, BARMM at Region 9 at dalawa mula sa Region 7.


Nakapagtala rin ng 13 sugatan at 15 na nawawala, habang nasa halos 300,000 pamilya ang apektadong ng sama ng panahon mula sa 1,441 barangays sa 13 rehiyon sa bansa sa pananalasa ng tatlong bagyo.

Sa nasabing bilang 69,360 katao ang nananatili sa 634 na evacuation centers habang ang nasa 61,000 mahigit na mga indibidwal ay mas piniling makitira sa kani-kanilang mga kamag-anak o manatili sa kanilang mga tahanan.

Sa ngayon ay nasa mahigit ?17 milyon na tulong na ng pamahalaan ang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal.


Tags: National Disaster Risk reduction Management Council

You May Also Like

Most Read