Hinimok ni MIAA General Manager Cesar Chiong ang mga airlines company na nago-operate sa NAIA na magdagdag ng mga tauhan sa panahon ng semana Santa para sa kaginahawan ng air passengers.
Sinabi ito ni Chiong kasabay ng pag-iinspeksyon sa NAIA Terminals kasama si senior assistant general manager Bryan Co, kasabay ng pahayag na inaasahan umano na aabot ng 1.2 million ang bilang ng mga pasaherong dadagsa kada linggo ngayong Semana Santa palabas ng bansa.
Dapat din aniyang magbukas ng maaga ang mga check-in counter ng airlines upang maiwasan ang mahabang pila.
Nakikipag-ugnayan narin ang MIAA sa Bureau of immigration para sa karagdagang BI officers para mapabilis ang pagproseso at maiwasan ang mahabang pila sa immigration counter.
Una nang binanggit ng immigration na aabot sa 155 BI officers ang kanilang ide-deploy sa mga terminal ng NAIA ngayong Holy Week.
Sa ngayon ay dumoble na umano ang bilang ng mga pasahero ngayong pre-pandemic kumpara noong mga nakaraang taon. (JERRY S. TAN)














