Latest News

Zelenskyy, gagayahin ni Isko sa laban vs kahirapan at kagutuman

TINIYAK ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno na kung papalarin na maging Pangulo ng bansa ay gagayahin niya ang katatagan at katapangan ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa kanyang paglaban sa kahirapan,kagutuman at kapanatagan sa bansa.

“Sa awa ang Diyos at ng taong bayan, naging presidente ako, at maging vice president si Doc Willie (Ong), hindi ko naman iniisip na magka-giyera, basta hangga’t maari ayaw kong sumali tayo sa anumang klase ng giyera. Kasi ang gusto kong giyera, yung labanan nating yung hirap ng tao, yung hapdi ng sikmura, yung kapanatagan sa bawat buhay ng Pilipino. ayon kay Moreno sa isang town hall meeting sa San Miguel, Bulacan.

“And yung ginagawa ni Zelensky is worth emulating, bagay na gayahin ng mga lider. Na ang isang lider, hindi duwag, hindi nagtatago, hundi natatakot at sinasamahan ang kanyang mamamayan, at nauunawaan niya ang sitwasyon ng kanyang mamamayan. And ngayon, ang giyerang kinakaharap natin ay giyera ng kahirapan ng tao, pangamba ng tao, kasiguruhan ng tao, kinabukasan ng tao. yun ang giyerang kakaharapin ko naman, and I’ll be with you all the way,” dagdag ni Moreno.


Sinabi ni Moreno na isusulong ng kanyang administrasyon ang “Life and Livelihood” economic policy na may layunin na matugunan ang kahirapan,kagutuman at kapanatagan sa ilalim ng kanyang 10-point Bilis Kilos Economic Agenda.

Ayon kay Moreno,para matamo ito ay kanyang isusulong ang dalawang unang taon ng kanyang panunungkulan sa pag-focus sa pagkakaloob ng kalidad na pabahay at paglikha ng trabaho.

Binigyang-diin pa ni Moreno na kung magkakaroon man ng banta, hindi siya magdadalawan- isip na ipagtanggol ang bansa.

“But just the same, nowadays, napaka-fluid ng sitwasyon, anything is possible. If I’m gonna be put into that situation, eto sisiguruhin ko sa inyo: I’ll be with you in the streets, hindi ko kayo iiwan, sasamahan ko kayo. And if that will give high risk to my safety, so be it,” giit pa ni Moreno. (TSJ)


Tags:

You May Also Like

Most Read