Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at OSCA chief Elinor Jacinto habang pinapayuhan ang mga senior citizens sa paggamit ng kanilang seior IDs. (JERRY S. TAN)

WASTONG PAGGAMIT NG SENIOR ID, IPINANAWAGAN NI MAYOR HONEY AT OSCA-MANILA

By: Jerry S. Tan

PINAYUHAN ni Mayor Honey Lacuna ang mga senior citizens sa Manila na tigilan ang pagre-reproduce ng kanilang senior IDs at pagkatapos ay ipapa-laminate ito, dahil ito aniya ay iligal, kasabay ng paliwanag na dapat ay i-surrender nila ang kanilang city government-issued identification cards o IDs kung sila ay lilipat na sa ibang lungsod, dahil ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng dalawang senior IDs mula sa magkaibang lungsod.

Ang panawagan ay ginawa ni Lacuna matapos iulat ni Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) head Elinor Jacinto na base sa impormasyong ipinarating sa kanyang tanggapan ay may mga senior citizen na nagse-xerox ng kanilang senior citizen IDs at pagkatapos ay ipinapa-laminate ito.


“This is illegal reproduction,” sabi ni Jacinto, at aniya, kapag nakatiyempo sila ng ganito ay awtomatikong kukumpiskahin nila iang mga ID na ito.

Samantala, ipinaliwanag ni Lacuna na ang mga senior citizens ay dapat na i-surrender ang kanilang senior ID sa local government kapag sila ay lilipat ng tirahan, dahil bawal umano ang pagkakaroon ng dalawang ID mula sa magkaibang local governments.

“When they do so, the city government will issue to them, free of charge, a notarized cancellation which they can present to the local government of the city where they are transferring, so they can apply for a new OSCA ID,” pahayag ni Lacuna.


Sa bahagi naman ni Jacinto, binigyang- diin nito na walang dahilan para lumipat pa ng lungsod ang mga senior citiznes “because it is only in Manila where senior citizens enjoy benefits such as monthly cash allowance, free birthday cake and perks like free entry to moviehouses and the Manila Zoo and P100,000 cash benefit for centerians, among others.”

Maging sa lingguhang ‘Kalinga sa Maynila’, nagpapalagay ang alkalde ng help desks upang umalalay sa mga senior citizens sa kanilang mga pangangailangan gaya ng mga lbreng basic medicines, processing ng senior IDs at affidavits para sa ‘lost IDs’ para makakuha sila ng bago, gayundin ng purchase booklets, bukod pa sa free checkup.


Ang ‘Kalinga’ ay isang regular na fora na ginagawa ng alkalde sa mga barangays kung saan ang mga pinuno ng mga departments, bureaus at tanggapan na madalas na hinahanap sa City Hall ay naroroon upang direktang sumagot sa mga tanong, reklamo at kahilingan ng mga residenteng dumadalo.

Mismong si Lacuna ang nakaisip ng nasabing programa sa layuning dalhin nang direkta sa pamayanan ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaang- lungsod, nang sa ganun ay di na sila kailangang gumastos ng pera at panahon at magpagod na pumunta sa City Hall.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like