NAGPAHAYAG si Manila Vice Mayor Yul Servo na buong-buo ang kanyang suporta kay incumbent third district Congressman Joel Chua na tumatakbo para sa ikalawang termino nito bilang kinatawan ng lungsod-Maynila.
Sa isang ‘Ugnayan’ ng local ruling party ng Asenso Manileño kamakailan lamang ay itinaas pa ni Servo ang kamay ni Chua bilang pagpapakita ng hayagang endorsement o suporta kay Chua bilang kanilang official candidate sa pagka- Congressman.sa ikatlong distrito.
Inaasahan na sa ginawang pormal pag-endorso ni Servo kay Chua ay matitigil na ang mga kumakalat na intriga nang minsang dumalo si Servo sa isang bingo event na sponsored ng barangay official na kaalyansa ng ibang kandidato.
Sinabi ni Servo na ang pagdalo niya sa nasabing event ay bilang pagtugon lamang sa imbitasyon ng barangay at upang i-promote na din ang kanyang katambal na si Manila Mayor Honey Lacuna at ang dala niyang partylist. Doon ay kinanta pa umano ni Servo ang kanilang jingle ni Lacuna.
Ayon pa kay Servo, si Lacuna ang kanyang idolo at inspirasyon pagdating sa public service at hindi magbabago ang kanyang katapatan sa alkalde, kay Chua at sa kanilang partido.
Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Chua na hindi niya pinagdududahan ang katapatan ni Servo sa kanilang partido kaya naman nanawagan siya sa lahat ng kritiko ng bise -alkalde na itigil.na ang pagkakalat ng mga intriga.
SI Chua ay isa sa limang incumbent Congressmen na nanatili sa Lacuna-Servo tandem, dahil sa paniniwalang sila ang ‘best choice’ para mamuno sa lungsod sa susunod na tatlong taon.
Mayroon lamang na anim na Congressman ang Maynila. Ang limang iba pa ay sina Congressman Rolan Valeriano (2nd district); Edward Maceda (4th district), Irwin Tieng (5th district) at Benny Abante (6th district).
Ang majority ng kasalukuyang Manila City Councilors ay nasa tiket din ni Lacuna at Servo.