Si Mayor Honey Lacuna kasama ang mga opisyal ng lungsod sa isang selfie na kuha ni Vice Mayor Yul Servo sa Manila City Council session hall. (JERRY S. TAN)

VM DANNY LACUNA, PINARANGALAN SA KONSEHO NG MAYNILA

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Mayor Honey Lacuna sa pamunuan at mga miyembro ng Manila City Council dahil sa pagbibigay ng parangal sa kanyang ama na si dating former Vice Mayor Danny Lacuna, sa okasyon ng ika-86 na taong kaarawan nito kamakailan lamang.

Ipinagdiwan ng 12th City Council, sa pamamagitan ng resolusyon sa ika- 123rd session nito, ang kaarawan ng yumaong si Vice Mayor Danny, na nagsilbi rin blang presiding officer ng Manila City Council na may pinakamahabang termino. Ang nasabing resolusyon ay mainit na tinanggap ng buong konseho at in-adopt bilang City Resolution No.215, series of 2024.


Binanggit ng kasalukuyang presiding officer na si Vice Mayor Yul Servo sa kanyang talumpati, bilang siya ring naghain ng resolusyong pagkilala kay VM Danny, ang kahalagahan ng mga ‘accomplishments’ o nagawa ng dating bise-alkalde pati na rin ang hindi matatawarang impluwensya nito na hanggang ngayon ay dama umano ng lahat ng Manileño.

“His legacy will continue as we take part in preserving and nurturing our beloved city, towards our goal to achieve the Magnificent Manila. No one can match all that he has done for our city,” ani Servo.

I“For 22 years in total as the Vice Mayor and presiding officer, he really deserved the most prestigious award, the Dangal ng Konseho, last year during the city council’s 122nd founding anniversary celebration,” dagdag pa nito.


Bilang pagkilala sa ‘legacy’ ni Vice Mayor Danny, ang session hall city council ay ipinangalan sa kanya sa pamamagitan ng City Ordinance no. 8982 at ngayon ay kilala na bilang Bulwagang Danilo B Lacuna, ayon pa kay Servo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Honey kay Servo at sa mga bumubuo ng Manila City Council sa pagbibigay-parangal sa alaala ng kanyang yumaong ama.


“A man of great service and compassion, ‘Danny’, as people called him, touched many, creating a life that spans further than just his years and into the hearts of us all where he will remain forever,” ani Mayor Honey.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read