MARIING binatikos ni Manila 2nd District Congressman Rolan Valeriano ang aniya ay mga ‘nagmamarunong na vloggers at trolls’ na aniya ay minamaliit ang pagiging doktora ni Mayor Honey Lacuna at ipinaalala nito na noong panahon ng pandemic, si Lacuna ang humawak ng health cluster kaya naging mabilis, sistematiko at epektibo ang COVID response at bakunahan sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Valeriano, na House Chairman of the Committee on Metro-Manila Development at member ng Committee on Good Government and Public Accountability, bago sana manlait ng isang doktor ay manalamin ang mga ito at itanong sa sarili kung ano natapos nilang kurso at kung ano ba ang narating nila sa buhay.
Ani Valeriano, walang dapat pagtawanan o kutyain sa pagiging isang doktor dahil hindi ito madaling makamit at sa katunayan ay ito ang pangarap ng maraming magulang para sa kanilang mga anak, bukod sa pagiging abogado.
Inihayag ng Kongresista na si Lacuna ay nagsimulang maglingkod sa Maynila bilang isang doktora noong pang 1992 at isa itonng lisensyadong doktor sa mahigit na 30 taon na.
Ang alkalde, dagdag pa niya, ay isang general practitioner sa larangan ng public health at nagsilbi sa Ospital ng Maynila, Manila Health Department, City Social Welfare Department at health centers saTondo at Bacood.
“Kaya kayong mga bayarang vloggers diyan sa gedli-geldi, tabi-tabi, sulok-sulok at ilalim ng lupa, kumonsulta na kayo sa dermatologist dahil baka may kumapit na palang sakit sa makapal ninyong balat kasi di tinatablan ng kahihiyan,” sabi ni Valeriano.
Dagdag pa nito::”O kaya magtakip na lang siguro kayo ng bayong sa ulo para itago ang inyong mukha. Kayo ang mga modernong MAKAPILI na binabayaran upang manira ng taong puro para sa kabutihan ng mga Manileño ang misyon sa buhay niya. Iskonian vloggers, mahiya kayo sa balat niyo!”
Bilang isang doktor na espesyalista sa dermatology, sinabi ni Valeriano na si Lacuna ay nag-aral pa ng karagdagang tatlong taon at kinailangang pumasa sa dermatology board exam bago tuluyang maging isang full-fledged dermatologist.
“Malawak ang sakop ng dermatology. Hindi lang ito tungkol sa ‘gluta’ o pagpapaganda. Ang dermatology ay tungkol sa lahat ng may kinalaman sa balat, buhok at kuko ng tao. Nariyan na ang mga skin rash, infection, sugat, pasa, bukol at mga communicable diseases na ang paraan ng pagkahawa ay sa skin-to-skin contact,” pahayag pa ni Valeriano.