Latest News

Binati ni Mayor Honey Lacuna ang kanyang City Administrator "Tito Bernie" Ang sa ginanap na flagraising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes Monday. Nasa likuran ni City Ad Ang sina Vice Mayor Yul Servo at kanyang aide de camp na si Jhon Sistorias. (JERRY S. TAN)

UMPISAHAN ANG ARAW SA ISANG DASAL, PANAWAGAN NI MAYOR HONEY SA MGA OPISYAL AT KAWANI NG MAYNILA

By: Jerry S. Tan

“START your day with a prayer.”

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaang-lungsod ng Maynila bilang pakikiisa ng lungsod sa paggunita ng “National Bible’s Month.”

Pinuri din ng alkalde si City Administrator Bernie Ang, na siyang host ng flagraising ceremony nitong Lunes, na ayon sa kanya ay ‘lagpas-lagpas’ pa sa tawag ng kanyang tungkulin ang ginagawang pagtulong sa mga kawani ng lungsod at nagsisilbi bilang pangunahing tanggapan sa pagpapatupad ng mga hakbangin sa pagtahak ng lungsod ng daan patungong “Magnificent Manila” sa 2030.

Pinagitnaan si Manila City Administrator Bernie Ang nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa isang ‘posterity shoot’ kasama ang mga bumubuo ng tanggapan ng City Administrator sa ginanap na flagraising ceremony sa City Hall Lunes ng umaga. Nasa likod ni City Ad Ang si deputy Joy Dawis at katabi naman ni Servo ang kanang kamay ni Ang na si Maricar ‘Cacai’ Lat at kanyang aide de camp na si Jhon Sistorias. Nasa likuran ni Servo ang ‘BA Angels’ na sina Josephine Maniqus-Salonga at (partly hidden) Marilou Sales. Kasama rin sa larawan sina (sa likuran ni Lacuna) Ronela Victoria, pati na sina Mhel Salas. (Anthony Dee)

Ang tanggapan ni Ang, ayon sa kanyang deputy na si Joy Dawis, ay nagsisilbi blang head office ng mga departmento, tanggapan at ahensya gayundin bilang executive director, chairman, co-chairman at vice chairman ng iba’t-ibang executive commitees executive council, task forces at technical working groups, maliban pa sa pagiging liaison at mediator para sa ilang tanggapan upang matiyak na sila ay nakalinya rin sa adhikain ng tanggapan ng alkalde para sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa lungsod.

Sa kanyang maiksing mensahe, sinabi ni Lacuna na sinisimulan niya ang kanyang araw sa pamamagitan ng simpleng panalangin “na sana, ang buong arraw ay magdaan nang maayos, payapa at kapaki-pakinabang sa bawat isa at sa mga mahal sa buhay.”

“Sana po ay lagi nating simulan ang ating araw ng isang dasal na magpapalakas hindi lamang po sa ating espiritwal na pamumuhay kundi sa atin pong pangaraw-araw na pakikisalamuha sa bawat isa na ating mga kababayan at sa pamamagitan nito ay magawa natin ang ating mga tungkulin nang may saya at kaluwagan para sa ikapapakinabang ng ating mga pinaglilingkuran,” ani Lacuna.

Binigyang-diin pa ng alkalde na, “Lagi nating isipin na maliban sa ating mga mahal sa buhay ay may mga kababayan tayong umaasa ng pagkalinga mula sa kanilang pamahalaan.”

Ang flagraising ceremony ay nagtapos sa pamamagitan ng distribusyon ng Bibliya sa mga dumalo na isinagawa ng mga miyembro ng Philippine Bible Society.

Tags:

You May Also Like

Most Read