Ulo ng fetus, natagpuan sa CR ng Ospital ng Sampaloc

Naiahon ng isang janitor ang putol na ulo at inunan ng isang fetus nang ayusin ang pagbabara sa inidoro ng isang cubicle ng pambabaeng comfort room sa Ospital ng Sampaloc, kamakalawa ng madaling araw sa Maynila.

Sa impormasyong nakuha ni PCpl Jaime Balang ng Manila Police District-homicide mula kay Arjie Blaza, 26, janitor sa Ospital ng Sampaloc,alas -3:30 ng madaling araw nang makita niya habang naglilinis sa CR ng babae sa groundfloor na puro dugo ang lapag ng isang cubicle.


Nang tingnan ang inidoro, nakita nito na may nakabara sa loob at nang sungkitin ay bumulaga sa kanya ang inunan at ulo na lamang ng fetus na itinatayang nasa 25 hanggang 30 linggo ang edad.

Nabigo naman ang mga awtoridad na makita kung sino ang buntis na nag- flush sa CR ng kanyang anak, na dinala sa funeral homes para sa safekeeping. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide

You May Also Like

Latest News