Latest News

Pinuri ni Mayor Honey Lacuna ang UdM sa mabilis na pamamahagi ng allowance ng mga mag-aaral habang tiniyak sa mga taga-PLM na tututukanniya mimso ang delay naman sa PLM. (JERRY S. TAN)

UdM, pinuri ni Mayor Honey sa mabilis na  allowance release; PLM, pinatutukan

By: Jerry S. Tan

PINAPURIHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Universidad de Manila (UdM) dahil sa mabilis nitong pamamahagi ng  allowance ng mga estudyante habang tiniyak na tututukan mismo ng kanyang tanggapan ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos namang maireklamo ukol sa pagka-antala sa distribusyon ng mga allowance ng mga mag-aaral nito.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacuna sa katatapos na “Kalinga sa Maynila”  sa ikatlong distrito ng Maynila,.matapos na itanong ng isang residente  ang ukol sa delayed na allowance ng mga estudyante sa PLM dahil nag-aaral ang anak niya doon.

Pinawi ng  alkalde ang pangamba ng mga magulang ng estudyante sa PLM at sinabing kinausap na niya ang pangulo ng PLM na si  Emmanuel Leyco na magbigay ng eksaktong petsa kung  kailan maibibigay ang allowance ng mga estudyante.


“Magandang katanungan… oo nga.. according po sa Presidente ng PLM, nagve-verify pa din po sila… pero ‘wag po kayo mag-alala dahil  mag-uusap kami dahil nanghingi na po kami ng definite na araw kung kelan po nila ilalabas… wala pong problema, ‘yan po ay hindi lang ninyo katanungan, kundi katangunan po yan ng nakararaming may mga anak na nag-aaral sa PLM,” sagot ni Lacuna sa nagtatanong na magulang.

“Pero ‘wag po kayong mag-alala, nakatutok na po ako doon… oo, kasi ang UdM (Universidad de Manila) tapos na eh, di ba? Oo, mabilis sila,” dagdag ni Lacuna.. Ang  UdM ay pinamumunuan ni Dr. Felma Carlos-Tria bilang Presidente nito.

Ang pamahalaang-lungsod ng Maynila ay nagbibigay ng buwanang allowance na P1,000 kada estudyante ng UdM at PLM at  P500 naman sa mga Grade 12 students. Ito ay bahagi ng  local government’s special amelioration program (SAP).

Matatandaan na noong  December 2020, ay kinailangan pang manghingi ng pasensya ang noon ay Mayor na si Isko Moreno sa mga magulang ng estudyante ng PLM nang magkaroon ng kaguluhan sa distribusyon ng allowance ng mga mag-aaral.


“Sa mga nanay at tatay ng PLM students, ako po ay humihingi ng pasensiya sa inyo. Sa mga PLM students na nanonood, please share this broadcast… pasensiya na kayo, marami sa inyo naghintay nang matagal maghapon at inabot ng halos hatinggabi nung unang araw ng distribusyon.. ako na po ang nahingi ng pasensiya sa inyong kainipan at matagal na paghihintay sa pila sa loob ng PLM,” pahayag ni Moreno noon.

Ang paghingi ng paumanhin ni Moreno ay ginawa matapos na magkagulo sa distribusyon ng city government financial assistance na dinagsa ng mga magulang at estudyante ng PLM noong December 16, 2020. Sinabing dahilan ng pagkakagulo sa distribusyon ay ang pagpalya ng online system ng PLM at maging ang mga payout personnel ay ilang oras ring late bago dumating sa nasabing pamantasan.

Dahil sa nasabing kaguluhan na nagresulta sa sobrang haba ng pila at kawalan ng physical distancing  sa kasagsagan ng  pandemya ay napilitang magpunta nang personal si Moreno  kay  city treasurer Jasmin Talegon upang pakiusapani ang city cashiers na mag-overtime para maipamigay ang allowances ng mga estudyante na nakapila na madaling araw pa lamang.

“Sa mga nagtampo na PLM students na hirap na hirap, nauunawaan ko kayo. Ipagpaumanhin ninyo.. kung anumang miscommunication.. para wala nang turuan, I take full responsibility.. sa mga naghintay ng pitong oras, pero yan ay di naman nangyari sa UDM at sa iba’t-ibang lugar,” ani Moreno.


Binanggit ni Moreno na ang ibat-ibang tanggapan gaya ng Office of the Senior Citizens’ Affairs na dating pinamumunuan ni Marjun Isidro at ang social welfare department sa ilalim ni Re Fugoso ay namamahagi din ng   financial assistance sa mga beneficiaries nang sabay-sabay sa buong lungsod, subalit ito ay nagagawang maayos at bukod-tanging ang PLM lamang umano ang nagkaroon ng kaguluhan.

Maliban sa mga estudyante ng dalawang   city-run university na PLM at UDM, binibigyan din ng monthly allowance ng syudad ang senior citizens, persons with disabilities, solo parents at iba pa.

Bukod sa isyu ng delayed allowance, si Leyco, na dalawang beses nang pinawalang-bisa ang appointment ng  Civil Service Commission, ay kinukwestyon ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa kawalan ng  doctorate degree, na isang  requirement para makakuha ng  Institutional Recognition (IR) ang PLM at para makakuha din ito ng government subsidy na nagkakahalaga ng  P350 million.

Tags:

You May Also Like

Most Read