(mula kaliwa) Sina Jesus is Lord leader Senator Joel Villanueva at El Shaddai founder Bro. Mike Velarde na naghayag ng suporta para sa kandidatura ni Mayor Honey Lacuna.

TATLONG HIGANTENG RELIGIOUS GROUPS, SUMUPORTA KAY MAYOR HONEY KASUNOD NG MUSLIM GROUPS

By: Jerry S. Tan

NAGPAHAYAG ng pagsuporta sa kandidatura ni reelectionist Manila Mayor Honey Lacuna and tatlong higanteng religious groups sa bansa, bilang pinakauling dagdag sa humahaba pang listahan ng malalaking grupo na kumakampanya para sa isa pang termino para sa alkalde.

Ang mga ito ay ang El Shaddai, Jesus is Lord Church at Christian Leaders for Good Government, na pawang naghayag ng suporta kay Lacuna dahil taglay umano niya ang mabuting ugali at kalidad na dapat na taglayin ng isang lider, partikular na ang integridad, good moral character at good governance.

Ayon kay Brother Mike Velarde, founder ng Catholic Charismatic Community El Shaddai na mayroong siyam na milyong miyembro sa buong bansa, ang nais nilang manalo ay yaong kadidatng tunay na maka-Diyos sa lahat ng gawi nito at mayroong matibay na relihiyosong pananampalataya.


Suportado naman umano ng Jesus is Lord na ang founder ay si Bro. Eddie Villanueva at may milyun-milyon ring miyembro sa buong bansa, kung saan ang legacy ay ipinagpapatuloy din ni Senator Joel Villanueva, ang mabuting pamumuno ni Lacuna.

Nitong Huwebes lamang ay nagpahayag na rin ng suporta para kay Lacuna ang Christian Leaders for Good Government, na ang leadership pa lamang ay mayroon nang 500 Baptist at Evangelical pastors mula sa Maynila, kung saan ay ipinagdasal pa nila nang sama-sama si Lacuna.


Nauna rito, dalawang malalaking grupo na ng Muslim communities na naka-base sa Maynila ang nag-endorso na rin sa kandidatura ni Lacuna.

Kabilang na rito ang Sultanate of Phangampong a Pilipinas Da’wah Solidarity Inc., na may 3,000 member-leaders at United Muslim Community in Manila na binubuo rin ng malalaking grupo ng Muslim na naka-base sa Maynila.


Sa ibang pagkakataon ay nagpahayag rin ng suporta sa kandidatura ng alkalde ang Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP), na binubuo naman ng libu-libong truck owners, operators at trabahador na pawang sa Maynila din ang base.

Sa kanyang panig,malugod na pinasalamatan ni Lacuna ang mga grupong sumusuporta sa kanya at hindi umano niya bibiguin ang mga ito.

“Maraming, maraming maraming salamat sa inyong pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,” pagtitiyak ni Lacuna.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read